1 Mga Cronica 22

Ngunit ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng bahay para sa aking karangalan.

1 Chronicles 22:8 (UKJV) But the word of the LORD came to me, saying, You have shed blood abundantly, and have made great wars: you shall not build an house unto my name, because you have shed much blood upon the earth in my sight.

6Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

7Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng bahay para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Diyos.

8Ngunit ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng bahay para sa aking karangalan.

9Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon, at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari.

10Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.