8Ngunit ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng bahay para sa aking karangalan.
9Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon, at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari.
10Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’ ”
11“Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng bahay ng Panginoon na iyong Diyos, ayon sa sinabi niya na gawin mo.
12Bigyan ka sana ng Panginoon na iyong Diyos ng karunungan at pang-unawa upang matupad mo ang kautusan niya sa panahon na pamamahalain ka niya sa buong Israel.