10Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’ ”
11“Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng bahay ng Panginoon na iyong Diyos, ayon sa sinabi niya na gawin mo.
12Bigyan ka sana ng Panginoon na iyong Diyos ng karunungan at pang-unawa upang matupad mo ang kautusan niya sa panahon na pamamahalain ka niya sa buong Israel.
13At kung matupad mo nang mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Moises, magiging matagumpay ka. Kaya magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manlupaypay.
14“Pinaghirapan kong mabuti ang paghahanda ng mga materyales para sa pagpapatayo ng Templo ng Panginoon – 3,500 toneladang ginto, 35,500 toneladang pilak, at maraming tanso at mga bakal na hindi na matimbang sa sobrang bigat. Naghanda rin ako ng mga kahoy at mga bato, pero kailangan mo pa rin itong dagdagan.