1 Mga Cronica 22

“Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng bahay ng Panginoon na iyong Diyos, ayon sa sinabi niya na gawin mo.

1 Chronicles 22:11 (UKJV) Now, my son, the LORD be with you; and prosper you, and build the house of the LORD your God, as he has said of you.

9Ngunit bibigyan kita ng anak na lalaki na maghahari nang may kapayapaan dahil hindi siya gagambalain ng lahat ng kanyang kalaban sa paligid. Ang magiging pangalan niya ay Solomon, at bibigyan ko ng kapayapaan ang Israel sa kanyang paghahari.

10Siya ang magpapatayo ng bahay para sa aking karangalan. Ituturing ko siyang anak at akoʼy magiging kanyang ama. Maghahari ang mga angkan niya sa Israel magpakailanman.’ ”

11“Kaya anak, gabayan ka sana ng Panginoon at magtagumpay ka sa pagpapatayo mo ng bahay ng Panginoon na iyong Diyos, ayon sa sinabi niya na gawin mo.

12Bigyan ka sana ng Panginoon na iyong Diyos ng karunungan at pang-unawa upang matupad mo ang kautusan niya sa panahon na pamamahalain ka niya sa buong Israel.

13At kung matupad mo nang mabuti ang mga utos at mga tuntunin na ibinigay ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Moises, magiging matagumpay ka. Kaya magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manlupaypay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.