29Ang lahi ni Manases ang nagmamay-ari sa mga lungsod ng Bet-sean, Taanac, Megido at Dor, pati sa mga baryo sa paligid nito. Sa mga bayang ito nakatira ang lahi ni Jose na anak ni Israel.
30Ang mga lalaking anak ni Asher ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Ang kapatid nilang babae ay si Sera.
31Ang mga lalaking anak ni Berias ay sina Heber at Malquiel. Si Malquiel ang ama ni Birzavit.
32Si Heber ang ama nina Jaflet, Somer, at Hotam. Ang kapatid nilang babae ay si Sua.
33Ang mga lalaking anak ni Jaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat.