2 Mga Cronica 26

Labis na nagalit si Uzias sa mga pari. At habang hawak niya ang sisidlan ng insenso sa may altar sa Templo ng Panginoon, tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang kanyang noo.

2 Chronicles 26:19 (UKJV) Then Uzziah was angry, and had a censer in his hand to burn incense: and while he was angry with the priests, the leprosy even rose up in his forehead before the priests in the house of the LORD, from beside the incense altar.

17Sinundan siya ni Azarias na punong pari at ng walumpu pang matatapang na mga pari ng Panginoon,

18at sinaway. Sinabi nila, “Uzias, hindi ka dapat magsunog ng insenso para sa Panginoon. Ang gawaing iyan ay para lang sa mga pari na mula sa angkan ni Aaron. Sila ang pinili upang magsunog ng insenso para sa Panginoon. Lumabas ka sa Templo dahil nagkasala ka sa iyong ginawa. Hindi ka pagpapalain ng Panginoong Diyos.”

19Labis na nagalit si Uzias sa mga pari. At habang hawak niya ang sisidlan ng insenso sa may altar sa Templo ng Panginoon, tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang kanyang noo.

20Nang makita ni Azarias at ng mga kasama niyang pari na tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang noo ni Uzias, nagmadali silang ilabas ito. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siyaʼy pinarusahan ng Panginoon.

21May malubhang sakit sa balat si Haring Uzias hanggang sa araw na namatay siya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at hindi pinayagang makapasok sa Templo ng Panginoon. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo at sa mga mamamayan ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.