2 Mga Cronica 26

May malubhang sakit sa balat si Haring Uzias hanggang sa araw na namatay siya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at hindi pinayagang makapasok sa Templo ng Panginoon. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo at sa mga mamamayan ng Juda.

2 Chronicles 26:21 (UKJV) And Uzziah the king was a leper unto the day of his death, and dwelt in a several house, being a leper; for he was cut off from the house of the LORD: and Jotham his son was over the king's house, judging the people of the land.

19Labis na nagalit si Uzias sa mga pari. At habang hawak niya ang sisidlan ng insenso sa may altar sa Templo ng Panginoon, tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang kanyang noo.

20Nang makita ni Azarias at ng mga kasama niyang pari na tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang noo ni Uzias, nagmadali silang ilabas ito. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siyaʼy pinarusahan ng Panginoon.

21May malubhang sakit sa balat si Haring Uzias hanggang sa araw na namatay siya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at hindi pinayagang makapasok sa Templo ng Panginoon. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo at sa mga mamamayan ng Juda.

22Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Uzias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay isinulat ni Propeta Isaias na anak ni Amoz.

23Nang mamatay si Uzias, inilibing lang siya malapit sa libingan ng mga ninuno niyang hari dahil may malubhang sakit siya sa balat. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.