2 Mga Cronica 26

Nang makita ni Azarias at ng mga kasama niyang pari na tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang noo ni Uzias, nagmadali silang ilabas ito. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siyaʼy pinarusahan ng Panginoon.

2 Chronicles 26:20 (UKJV) And Azariah the chief priest, and all the priests, looked upon him, and, behold, he was leprous in his forehead, and they thrust him out from thence; yea, himself hasted also to go out, because the LORD had smitten him.

18at sinaway. Sinabi nila, “Uzias, hindi ka dapat magsunog ng insenso para sa Panginoon. Ang gawaing iyan ay para lang sa mga pari na mula sa angkan ni Aaron. Sila ang pinili upang magsunog ng insenso para sa Panginoon. Lumabas ka sa Templo dahil nagkasala ka sa iyong ginawa. Hindi ka pagpapalain ng Panginoong Diyos.”

19Labis na nagalit si Uzias sa mga pari. At habang hawak niya ang sisidlan ng insenso sa may altar sa Templo ng Panginoon, tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang kanyang noo.

20Nang makita ni Azarias at ng mga kasama niyang pari na tinubuan ng malubhang sakit sa balat ang noo ni Uzias, nagmadali silang ilabas ito. Hindi naman ito tumutol sapagkat naramdaman niyang siyaʼy pinarusahan ng Panginoon.

21May malubhang sakit sa balat si Haring Uzias hanggang sa araw na namatay siya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at hindi pinayagang makapasok sa Templo ng Panginoon. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo at sa mga mamamayan ng Juda.

22Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Uzias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay isinulat ni Propeta Isaias na anak ni Amoz.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.