1Iginagalang ng hari ng Aram si Naaman na pinuno ng kanyang hukbo, dahil pinagtagumpay ng Panginoon ang Aram sa pamamagitan niya. Matapang siyang sundalo, subalit may malubhang sakit sa balat.
2Noong lumusob ang mga sundalo ng Aram sa Israel, may nabihag silang dalagita na naging alipin ng asawa ni Naaman.
3Isang araw, sinabi ng dalagita sa kanyang amo, “Kung makikipagkita lang sana ang amo ko sa propeta na nasa Samaria, pagagalingin siya nito sa sakit niya sa balat.”
4Pumunta si Naaman sa hari at sinabi niya ang sinabi ng dalagitang nagmula sa Israel.