2Noong lumusob ang mga sundalo ng Aram sa Israel, may nabihag silang dalagita na naging alipin ng asawa ni Naaman.
3Isang araw, sinabi ng dalagita sa kanyang amo, “Kung makikipagkita lang sana ang amo ko sa propeta na nasa Samaria, pagagalingin siya nito sa sakit niya sa balat.”
4Pumunta si Naaman sa hari at sinabi niya ang sinabi ng dalagitang nagmula sa Israel.
5Sinabi ng hari ng Aram, “Lumakad ka, dalhin mo ang sulat ko sa hari ng Israel.” Kaya umalis si Naaman na may dalang 350 kilong pilak, pitumpung kilong ginto at sampung pirasong damit.
6Ito ang mensahe ng sulat na dinala niya sa hari: Ipinadala ko sa iyo si Naaman na aking lingkod para pagalingin mo ang sakit niya sa balat.