11“Pinili ko ang ilan sa mga anak nila na maging propeta at Nazareo. Mga taga-Israel, hindi baʼt totoo itong sinasabi ko?” sabi ng Panginoon.
12“Ngunit ano ang ginawa ninyo? Pinainom ninyo ng alak ang mga hinirang kong Nazareo at pinagbawalan ninyo ang mga propeta na sabihin ang ipinasasabi ko.
13“Kaya makinig kayo! Pahihirapan ko kayo katulad ng kariton na hindi na halos makausad dahil sa bigat ng karga.
14Kaya kahit na ang pinakamabilis tumakbo sa inyo ay hindi makakatakas, ang malalakas ay manghihina, at ang mga sundalo ay hindi maililigtas ang kanilang sarili.
15Kahit na ang mga sundalong namamana sa labanan ay uurong. Ang mga sundalong mabilis tumakbo ay hindi makakatakas, at silang mga nakasakay sa kabayo ay hindi rin makakaligtas.