Deuteronomio 18

Kinasusuklaman ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa sa inyong harapan.

Deuteronomy 18:12 (UKJV) For all that do these things are an abomination unto the LORD: and because of these abominations the LORD your God does drive them out from before you.

10Wala ni isa man sa inyo na magsusunog ng kanyang anak bilang handog. At huwag din kayong manghuhula, mangkukulam,

11manggagaway, gumagawa ng mga ginagawa ng mga espiritista, at makikipag-usap sa espiritu ng mga patay.

12Kinasusuklaman ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa sa inyong harapan.

13Mamuhay kayong walang kapintasan sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.

14Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.