Deuteronomio 18

Mamuhay kayong walang kapintasan sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.

Deuteronomy 18:13 (UKJV) You shall be perfect with the LORD your God.

11manggagaway, gumagawa ng mga ginagawa ng mga espiritista, at makikipag-usap sa espiritu ng mga patay.

12Kinasusuklaman ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa sa inyong harapan.

13Mamuhay kayong walang kapintasan sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.

14Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.

15Sa halip, magpapadala sa inyo ang Panginoon na inyong Diyos ng isang propeta na mula sa inyo at kadugo ninyo tulad ko. At kailangang makinig kayo sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.