Deuteronomio 18

Sa halip, magpapadala sa inyo ang Panginoon na inyong Diyos ng isang propeta na mula sa inyo at kadugo ninyo tulad ko. At kailangang makinig kayo sa kanya.

Deuteronomy 18:15 (UKJV) The LORD your God will raise up unto you a Prophet from the midst of you, of your brethren, like unto me; unto him all of you shall hearken;

13Mamuhay kayong walang kapintasan sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.

14Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.

15Sa halip, magpapadala sa inyo ang Panginoon na inyong Diyos ng isang propeta na mula sa inyo at kadugo ninyo tulad ko. At kailangang makinig kayo sa kanya.

16Sapagkat ito ang hinihingi ninyo sa Panginoon na inyong Diyos nang magtipon kayo roon sa Horeb. Sinabi ninyo sa Panginoon, “Huwag nʼyong iparinig sa amin ang boses nʼyo o ipakita ang naglalagablab na apoy dahil baka mamatay kami.”

17Kaya sinabi ng Panginoon sa akin, “Mabuti ang kanilang hinihingi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.