14Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.
15Sa halip, magpapadala sa inyo ang Panginoon na inyong Diyos ng isang propeta na mula sa inyo at kadugo ninyo tulad ko. At kailangang makinig kayo sa kanya.
16Sapagkat ito ang hinihingi ninyo sa Panginoon na inyong Diyos nang magtipon kayo roon sa Horeb. Sinabi ninyo sa Panginoon, “Huwag nʼyong iparinig sa amin ang boses nʼyo o ipakita ang naglalagablab na apoy dahil baka mamatay kami.”
17Kaya sinabi ng Panginoon sa akin, “Mabuti ang kanilang hinihingi.
18Magpapadala ako sa kanila ng isang propeta na mula sa kanila at kadugo nila tulad mo. Ipasasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.