Deuteronomio 18

Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.

Deuteronomy 18:14 (UKJV) For these nations, which you shall possess, hearkened unto observers of times, and unto diviners: but as for you, the LORD your God has not suffered you so to do.

12Kinasusuklaman ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mga bagay na ito. Ito ang dahilan kung bakit palalayasin ng Panginoon na inyong Diyos ang mga bansa sa inyong harapan.

13Mamuhay kayong walang kapintasan sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos.

14Ang mga bansang ito na palalayasin ninyo ay sumasangguni sa mga mangkukulam at mga manghuhula. Ngunit kayo, pinagbabawalan ng Panginoon na inyong Diyos sa paggawa nito.

15Sa halip, magpapadala sa inyo ang Panginoon na inyong Diyos ng isang propeta na mula sa inyo at kadugo ninyo tulad ko. At kailangang makinig kayo sa kanya.

16Sapagkat ito ang hinihingi ninyo sa Panginoon na inyong Diyos nang magtipon kayo roon sa Horeb. Sinabi ninyo sa Panginoon, “Huwag nʼyong iparinig sa amin ang boses nʼyo o ipakita ang naglalagablab na apoy dahil baka mamatay kami.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.