Deuteronomio 23

Sapagkat hindi nila kayo binigyan ng pagkain o tubig nang naglalakbay kayo mula sa Ehipto, at sinulsulan pa nila si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor sa Aram-naharaim para sumpain kayo.

Deuteronomy 23:4 (UKJV) Because they met you not with bread and with water in the way, when all of you came forth out of Egypt; and because they hired against you Balaam the son of Beor of Pethor of Mesopotamia, to curse you.

2Ang anak sa labas ay hindi makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon pati na ang kanyang angkan hanggang sa ikasampung salinlahi.

3Walang Amonita o Moabita o sinuman sa kanilang lahi hanggang sa ikasampung salinlahi ang makakasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon.

4Sapagkat hindi nila kayo binigyan ng pagkain o tubig nang naglalakbay kayo mula sa Ehipto, at sinulsulan pa nila si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor sa Aram-naharaim para sumpain kayo.

5Ngunit hindi nakinig ang Panginoon na inyong Diyos kay Balaam. Sa halip, ginawa niyang basbas ang sumpa sa inyo, dahil minamahal kayo ng Panginoon na inyong Diyos.

6Habang buháy kayo, huwag kayong tutulong sa mga Amoreo o Moabita sa anumang paraan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.