Deuteronomio 23

Habang buháy kayo, huwag kayong tutulong sa mga Amoreo o Moabita sa anumang paraan.

Deuteronomy 23:6 (UKJV) You shall not seek their peace nor their prosperity all your days for ever.

4Sapagkat hindi nila kayo binigyan ng pagkain o tubig nang naglalakbay kayo mula sa Ehipto, at sinulsulan pa nila si Balaam na anak ni Beor na taga-Petor sa Aram-naharaim para sumpain kayo.

5Ngunit hindi nakinig ang Panginoon na inyong Diyos kay Balaam. Sa halip, ginawa niyang basbas ang sumpa sa inyo, dahil minamahal kayo ng Panginoon na inyong Diyos.

6Habang buháy kayo, huwag kayong tutulong sa mga Amoreo o Moabita sa anumang paraan.

7Huwag ninyong kamumuhian ang mga Edomita, dahil kadugo nʼyo sila. Huwag din ninyong kamumuhian ang mga Ehipsiyo dahil tumira kayo dati sa kanilang lupain bilang mga dayuhan.

8Ang kanilang mga angkan sa ikatlong salinlahi ay maaaring makasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.