Deuteronomio 23

Huwag ninyong kamumuhian ang mga Edomita, dahil kadugo nʼyo sila. Huwag din ninyong kamumuhian ang mga Ehipsiyo dahil tumira kayo dati sa kanilang lupain bilang mga dayuhan.

Deuteronomy 23:7 (UKJV) You shall not detest an Edomite; for he is your brother: you shall not detest an Egyptian; because you were a stranger in his land.

5Ngunit hindi nakinig ang Panginoon na inyong Diyos kay Balaam. Sa halip, ginawa niyang basbas ang sumpa sa inyo, dahil minamahal kayo ng Panginoon na inyong Diyos.

6Habang buháy kayo, huwag kayong tutulong sa mga Amoreo o Moabita sa anumang paraan.

7Huwag ninyong kamumuhian ang mga Edomita, dahil kadugo nʼyo sila. Huwag din ninyong kamumuhian ang mga Ehipsiyo dahil tumira kayo dati sa kanilang lupain bilang mga dayuhan.

8Ang kanilang mga angkan sa ikatlong salinlahi ay maaaring makasama sa pagtitipon ng mga mamamayan ng Panginoon.

9Kapag makikipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, umiwas kayo sa anumang bagay na makakadungis sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.