Deuteronomio 26

Ipinahayag ninyo sa araw na ito na ang Panginoon ang inyong Diyos at mabubuhay kayo ayon sa kanyang pamamaraan, dahil susundin ninyo ang kanyang mga utos at mga tuntunin, at susundin ninyo siya.

Deuteronomy 26:17 (UKJV) You have stand as a witness to the LORD this day to be your God, and to walk in his ways, and to keep his statutes, and his commandments, and his judgments, and to hearken unto his voice:

15Tingnan po ninyo kami mula sa inyong banal na tahanan sa langit, at pagpalain ang mga mamamayan ninyong Israelita at ang lupaing masagana sa gatas at pulot na ibinigay ninyo sa amin ayon sa ipinangako ninyo sa aming mga ninuno.”

16Sa araw na ito, inuutusan kayo ng Panginoon na inyong Diyos na sundin ninyong lahat ang utos at tuntuning ito. Sundin ninyo itong mabuti nang buong pusoʼt kaluluwa.

17Ipinahayag ninyo sa araw na ito na ang Panginoon ang inyong Diyos at mabubuhay kayo ayon sa kanyang pamamaraan, dahil susundin ninyo ang kanyang mga utos at mga tuntunin, at susundin ninyo siya.

18At ipinahayag din ng Panginoon sa araw na ito, na kayo ang espesyal na mamamayan ayon sa kanyang ipinangako, at dapat kayong sumunod sa lahat ng utos niya.

19Ayon sa kanyang ipinangako, gagawin niya kayong higit kaysa sa lahat ng bansa; pupurihin at pararangalan kayo. Kayo ay magiging mga mamamayang pinili ng Panginoon na inyong Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.