47Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Diyos sa panahon ng inyong kasaganaan,
48ibibigay kayo ng Panginoon sa mga kaaway na ipinadala niya sa inyo at maglilingkod kayo sa kanila. Gugutumin kayo, uuhawin, kukulangin ng damit at mawawalan ng lahat ng bagay. Pahihirapan niya kayo na parang kinabitan ng pamatok na bakal sa leeg hanggang sa mamatay kayo.
49Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway.
50Mababangis sila at walang awa sa matanda man o bata.
51Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong alak, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.