Deuteronomio 28

Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong alak, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.

Deuteronomy 28:51 (UKJV) And he shall eat the fruit of your cattle, and the fruit of your land, until you be destroyed: which also shall not leave you either corn, wine, or oil, or the increase of your cattle, or flocks of your sheep, until he have destroyed you.

49Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway.

50Mababangis sila at walang awa sa matanda man o bata.

51Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong alak, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.

52Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo.

53Dahil sa pagdurusang mararanasan ninyo sa kamay ng inyong mga kaaway na sumakop sa inyo, kakainin ninyo ang inyong mga anak na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos dahil sa sobrang gutom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.