51Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong alak, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.
52Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo.
53Dahil sa pagdurusang mararanasan ninyo sa kamay ng inyong mga kaaway na sumakop sa inyo, kakainin ninyo ang inyong mga anak na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos dahil sa sobrang gutom.
54Kahit na ang mahinahon at napakabait na tao sa inyo ay hindi na maaawa sa kanyang kapatid, sa minamahal niyang asawa at sa natira niyang anak.
55Hindi niya sila bibigyan ng kinakain niyang laman ng kanyang anak dahil natatakot siyang maubusan ng pagkain. Ganyan ang mangyayari sa inyo sa panahong sakupin at palibutan kayo ng inyong mga kaaway ang lahat ng lungsod ninyo.