Deuteronomio 28

Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo.

Deuteronomy 28:52 (UKJV) And he shall besiege you in all your gates, until your high and fenced walls come down, wherein you trusted, throughout all your land: and he shall besiege you in all your gates throughout all your land, which the LORD your God has given you.

50Mababangis sila at walang awa sa matanda man o bata.

51Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong alak, langis o hayop hanggang sa malipol kayo.

52Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Diyos sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo.

53Dahil sa pagdurusang mararanasan ninyo sa kamay ng inyong mga kaaway na sumakop sa inyo, kakainin ninyo ang inyong mga anak na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos dahil sa sobrang gutom.

54Kahit na ang mahinahon at napakabait na tao sa inyo ay hindi na maaawa sa kanyang kapatid, sa minamahal niyang asawa at sa natira niyang anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.