Deuteronomio 31

Gawin ninyo ito para ang inyong mga anak na hindi pa nakakaalam ng mga utos na ito ay makarinig din nito at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo sa lupaing aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”

Deuteronomy 31:13 (UKJV) And that their children, which have not known any thing, may hear, and learn to fear the LORD your God, as long as all of you live in the land where all of you go over Jordan to possess it.

11babasahin ninyo ang mga utos na ito sa lahat ng mga Israelita kung magtitipon sila sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos sa lugar na pipiliin niya.

12Tipunin ang mga tao – mga lalaki, babae, bata at mga dayuhang naninirahan sa bayan nʼyo – upang makapakinig sila at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos at sumunod nang mabuti sa lahat ng ipinatutupad ng mga utos na ito.

13Gawin ninyo ito para ang inyong mga anak na hindi pa nakakaalam ng mga utos na ito ay makarinig din nito at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo sa lupaing aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.

15Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi doon sa may pintuan ng Tolda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.