Deuteronomio 31

Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi doon sa may pintuan ng Tolda.

Deuteronomy 31:15 (UKJV) And the LORD appeared in the tabernacle in a pillar of a cloud: and the pillar of the cloud stood over the door of the tabernacle.

13Gawin ninyo ito para ang inyong mga anak na hindi pa nakakaalam ng mga utos na ito ay makarinig din nito at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo sa lupaing aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.

15Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi doon sa may pintuan ng Tolda.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng iyong mga ninuno. Kapag wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa mga diyos na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila.

17Sa araw na iyon, magagalit ako sa kanila at itatakwil ko sila. Tatalikuran ko sila at silaʼy malilipol. Maraming kapahamakan at kahirapan ang darating sa kanila, at sa panahong iyon, magtatanong sila, ‘Dumating ba sa atin ang mga kapahamakang ito dahil hindi tayo sinasamahan ng Panginoon?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.