Deuteronomio 31

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng iyong mga ninuno. Kapag wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa mga diyos na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila.

Deuteronomy 31:16 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Behold, you shall sleep with your fathers; and this people will rise up, and go a whoring after the gods of the strangers of the land, where they go to be among them, and will forsake me, and break my covenant which I have made with them.

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.

15Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi doon sa may pintuan ng Tolda.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng iyong mga ninuno. Kapag wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa mga diyos na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila.

17Sa araw na iyon, magagalit ako sa kanila at itatakwil ko sila. Tatalikuran ko sila at silaʼy malilipol. Maraming kapahamakan at kahirapan ang darating sa kanila, at sa panahong iyon, magtatanong sila, ‘Dumating ba sa atin ang mga kapahamakang ito dahil hindi tayo sinasamahan ng Panginoon?’

18Tatalikuran ko sila sa panahong iyon dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nila at pagsamba sa ibang mga diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.