Deuteronomio 31

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.

Deuteronomy 31:14 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Behold, your days approach that you must die: call Joshua, and present yourselves in the tabernacle of the congregation, that I may give him a charge. And Moses and Joshua went, and presented themselves in the tabernacle of the congregation.

12Tipunin ang mga tao – mga lalaki, babae, bata at mga dayuhang naninirahan sa bayan nʼyo – upang makapakinig sila at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos at sumunod nang mabuti sa lahat ng ipinatutupad ng mga utos na ito.

13Gawin ninyo ito para ang inyong mga anak na hindi pa nakakaalam ng mga utos na ito ay makarinig din nito at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Diyos habang nabubuhay kayo sa lupaing aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”

14Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.

15Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi doon sa may pintuan ng Tolda.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng iyong mga ninuno. Kapag wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa mga diyos na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.