9Pinili rin ng Panginoon ang lahi ni Jacob bilang mamamayan niyang inangkin.
10Nakita niya sila sa disyerto, kung saan halos walang tumutubong pananim. Binabantayan niya sila at iniingatan katulad ng pag-iingat ng tao sa kanyang mga mata.
11Binantayan niya sila gaya ng pagbabantay ng agila sa kanyang mga inakay habang tinuturuan niya itong lumipad. Ibinubuka niya ang kanyang mga pakpak para saluhin at buhatin sila.
12Ang Panginoon lamang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan, walang tulong mula sa ibang mga diyos.
13Sila ang pinamahala niya sa mga kabundukan, at pinakain ng mga ani ng lupa. Inalagaan niya sila sa pamamagitan ng pulot mula sa batuhan at ng langis ng olibo mula sa mabatong lupa.