Deuteronomio 32

Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing, at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan. Binigyan din niya sila ng pinakamainam na trigo at pinainom ng alak.

Deuteronomy 32:14 (UKJV) Butter of cattle, and milk of sheep, with fat of lambs, and rams of the breed of Bashan, and goats, with the fat of kidneys of wheat; and you did drink the pure blood of the grape.

12Ang Panginoon lamang ang gumagabay sa kanyang mga mamamayan, walang tulong mula sa ibang mga diyos.

13Sila ang pinamahala niya sa mga kabundukan, at pinakain ng mga ani ng lupa. Inalagaan niya sila sa pamamagitan ng pulot mula sa batuhan at ng langis ng olibo mula sa mabatong lupa.

14Binigyan niya sila ng keso at gatas ng mga baka at kambing, at binigyan ng matatabang tupa at kambing mula sa Bashan. Binigyan din niya sila ng pinakamainam na trigo at pinainom ng alak.

15Naging maunlad ang mga Israelita subalit nagrebelde sila. Tumaba sila at lumakas, ngunit tinalikuran nila ang Diyos na lumikha sa kanila, at sinuway nila ang Batong kanlungan na kanilang Tagapagligtas.

16Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyos na kasuklam-suklam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.