25Sa labas ng kanilang bahay, marami ang mamamatay sa labanan, at sa loob nitoʼy maghahari ang takot. Mamamatay ang lahat, maging ang mga kabataan, matatanda at mga bata.
26Sinabi ko na ikakalat ko sila hanggang sa hindi na sila maalala sa mundo.
27Ngunit hindi ko papayagang magyabang ang kanilang mga kaaway. Baka sabihin nila, ‘Natalo natin sila. Hindi ang Panginoon ang gumawa nito.’ ”
28Ang Israel ay isang bansa na walang alam at pang-unawa.
29Kung matalino lang sila, mauunawaan sana nila ang kanilang kahihinatnan.