Deuteronomio 33

Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin kay Jacob, at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.

Deuteronomy 33:10 (UKJV) They shall teach Jacob your judgments, and Israel your law: they shall put incense before you, and whole burnt sacrifice upon yours altar.

8Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi, “O Panginoon, ibinigay po ninyo ang Tumim at Urim sa mga tapat ninyong lingkod na lahi ni Levi. Sinubukan ninyo sila sa Masa at sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.

9Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak. Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.

10Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin kay Jacob, at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.

11O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at nawaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa. Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway para hindi na sila makabangon pa.”

12Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Benjamin, “Ang minamahal ng Panginoon ay naninirahan ng ligtas sa piling niya. Inilalayo niya sila sa kapahamakan at nananahan sa kanilang kalagitnaan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.