Deuteronomio 33

O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at nawaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa. Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway para hindi na sila makabangon pa.”

Deuteronomy 33:11 (UKJV) Bless, LORD, his substance, and accept the work of his hands; strike through the loins of them that rise against him, and of them that hate him, that they rise not again.

9Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak. Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.

10Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin kay Jacob, at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.

11O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at nawaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa. Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway para hindi na sila makabangon pa.”

12Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Benjamin, “Ang minamahal ng Panginoon ay naninirahan ng ligtas sa piling niya. Inilalayo niya sila sa kapahamakan at nananahan sa kanilang kalagitnaan.”

13Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Jose, “Sanaʼy pagpalain ng Panginoon ang kanilang lupain at padalhan sila palagi ng ulan at ng tubig mula sa ilalim ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.