Deuteronomio 33

Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Benjamin, “Ang minamahal ng Panginoon ay naninirahan ng ligtas sa piling niya. Inilalayo niya sila sa kapahamakan at nananahan sa kanilang kalagitnaan.”

Deuteronomy 33:12 (UKJV) And of Benjamin he said, The beloved of the LORD shall dwell in safety by him; and the Lord shall cover him all the day long, and he shall dwell between his shoulders.

10Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin kay Jacob, at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.

11O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at nawaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa. Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway para hindi na sila makabangon pa.”

12Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Benjamin, “Ang minamahal ng Panginoon ay naninirahan ng ligtas sa piling niya. Inilalayo niya sila sa kapahamakan at nananahan sa kanilang kalagitnaan.”

13Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Jose, “Sanaʼy pagpalain ng Panginoon ang kanilang lupain at padalhan sila palagi ng ulan at ng tubig mula sa ilalim ng lupa.

14Sa tulong ng araw, mamunga sana nang maayos ang kanilang mga pananim at mamunga sa tamang panahon nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.