Deuteronomio 33

Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda, “O Panginoon, pakinggan po ninyo ang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda. Muli po ninyo silang isama sa ibang mga lahi ng Israel. Ipagtanggol at tulungan ninyo sila laban sa kanilang mga kaaway.”

Deuteronomy 33:7 (UKJV) And this is the blessing of Judah: and he said, Hear, LORD, the voice of Judah, and bring him unto his people: let his hands be sufficient for him; and be you an help to him from his enemies.

5Naging hari ang Panginoon ng Israel nang magtipon ang kanilang mga pinuno at ang kanilang mga angkan.”

6Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Ruben, “Sanaʼy hindi mawala ang mga lahi ni Ruben kahit kakaunti lang sila.”

7Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda, “O Panginoon, pakinggan po ninyo ang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda. Muli po ninyo silang isama sa ibang mga lahi ng Israel. Ipagtanggol at tulungan ninyo sila laban sa kanilang mga kaaway.”

8Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi, “O Panginoon, ibinigay po ninyo ang Tumim at Urim sa mga tapat ninyong lingkod na lahi ni Levi. Sinubukan ninyo sila sa Masa at sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.

9Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak. Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.