Deuteronomio 4

Kaya, kayong mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntuning ituturo ko sa inyo. Sundin ninyo ito upang mabuhay kayo at makapasok at maangkin ang lupaing ibibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

Deuteronomy 4:1 (UKJV) Now therefore hearken, O Israel, unto the statutes and unto the judgments, which I teach you, in order to do them, that all of you may live, and go in and possess the land which the LORD God of your fathers gives you.

1Kaya, kayong mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga utos at tuntuning ituturo ko sa inyo. Sundin ninyo ito upang mabuhay kayo at makapasok at maangkin ang lupaing ibibigay sa inyo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.

2Huwag ninyong dadagdagan o babawasan ang mga utos na ibinigay ko sa inyo, mula sa Panginoon na inyong Diyos. Dapat ninyo itong sundin.

3Nakita ninyo ang ginawa ng Panginoon sa Baal Peor. Pinuksa ng Panginoon na inyong Diyos ang mga kapwa ninyo Israelita na sumamba kay Baal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.