Ang Mangangaral 8

Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isang daang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Diyos.

Ecclesiastes 8:12 (UKJV) Though a sinner do evil an hundred times, and his days be prolonged, yet surely I know that it shall be well with them that fear God, which fear before him:

10Nakita ko ring ibinuburol ang masasamâ. Sila ang laging pumapasok sa banal na lungsod ng Jerusalem at doon gumagawa ng kasamaan. At pinupuri pa sila ng mga taong tagaroon mismo sa lugar na ginagawan nila ng kasamaan. Wala itong kabuluhan.

11Kapag ang taong nagkasalaʼy hindi agad pinarusahan, naiisip din ng iba na gumawa ng kasalanan.

12Kahit ang isang taoʼy magkasala ng isang daang beses at mabuhay pa nang matagal, alam kong mas mabuti pa rin ang kahihinatnan ng taong may takot sa Diyos.

13Hindi magtatagal ang buhay ng taong masama na walang takot sa Diyos. Magiging parang anino ang buhay niya, sandali lang at agad mawawala.

14Ang problema lang sa mundong ito ay kung minsan ang mga taong matuwid pa ang siyang napaparusahan ng parusang para sana sa masasamâ. At ang masasama naman ang siyang tumatanggap ng gantimpalang para sana sa mga matuwid. Ito man ay walang kabuluhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.