Ang Mangangaral 8

Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasáma sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya, dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya.

Ecclesiastes 8:3 (UKJV) Be not hasty to go out of his sight: stand not in an evil thing; for he does whatsoever pleases him.

1Walang katulad ang taong marunong na kayang magpaliwanag ng mga bagay. Ang karunungan ng taoʼy nakapagpapasaya ng mukha, at ang simangot ay nawawala.

2Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Diyos na gagawin mo ito.

3Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasáma sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya, dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya.

4Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito.

5Ang sinumang sumusunod sa kanyang utos ay hindi mapapahamak. Alam ng taong marunong kung kailan at kung paano gagawin ang isang bagay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.