2Sundin mo ang utos ng hari, dahil ipinangako mo sa Diyos na gagawin mo ito.
3Huwag mong pababayaan ang tungkulin mo sa hari, at huwag kang sasáma sa mga nagpaplano ng masama laban sa kanya, dahil kayang gawin ng hari ang anumang gustuhin niya.
4Makapangyarihan ang utos ng hari at walang makakatutol dito.
5Ang sinumang sumusunod sa kanyang utos ay hindi mapapahamak. Alam ng taong marunong kung kailan at kung paano gagawin ang isang bagay.
6Dahil ang bawat bagay ay may kanya-kanyang tamang oras at pamamaraan ng paggawa gaano man kabigat ang kinakaharap ng tao.