Ang Mangangaral 9

Ang totoo, alam ng buháy na tao na mamamatay siya. Pero ang patay ay walang nalalaman. Wala na rin siyang gantimpalang matatanggap at kahit ang kanyang pangalan ay makakalimutan.

Ecclesiastes 9:5 (UKJV) For the living know that they shall die: but the dead know not any thing, neither have they any more a reward; for the memory of them is forgotten.

3Ito ang hindi maganda sa lahat ng nangyayari rito sa mundo: iisa lang ang kasasapitan ng lahat. At hindi lang iyan, kundi pawang kasamaan at kamangmangan ang iniisip ng tao habang nabubuhay, at pagkatapos ay mamamatay din siya.

4Habang may buhay ang tao, may pag-asa. May kasabihan nga, “Mas mabuti pa ang buháy na aso kaysa sa patay na leon.”

5Ang totoo, alam ng buháy na tao na mamamatay siya. Pero ang patay ay walang nalalaman. Wala na rin siyang gantimpalang matatanggap at kahit ang kanyang pangalan ay makakalimutan.

6Ang pag-ibig nila, poot at inggit noong nabubuhay pa ay wala na. At wala na rin silang malay sa lahat ng nangyayari rito sa mundo.

7Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Diyos na gawin mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.