4Habang may buhay ang tao, may pag-asa. May kasabihan nga, “Mas mabuti pa ang buháy na aso kaysa sa patay na leon.”
5Ang totoo, alam ng buháy na tao na mamamatay siya. Pero ang patay ay walang nalalaman. Wala na rin siyang gantimpalang matatanggap at kahit ang kanyang pangalan ay makakalimutan.
6Ang pag-ibig nila, poot at inggit noong nabubuhay pa ay wala na. At wala na rin silang malay sa lahat ng nangyayari rito sa mundo.
7Sige, magpakasaya ka sa pagkain at pag-inom dahil iyan ang gusto ng Diyos na gawin mo.
8Palagi ka sanang maging maligaya.