Mga Hebreo 1

At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang kaisa-isang Anak sa mundo, sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”

Hebrews 1:6 (UKJV) And again, when he brings in the First-Born into the world, he says, And let all the angels of God worship him.

4Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.

5Sapagkat kailanmaʼy wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Diyos ng ganito: “Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.” At wala ring sinumang anghel na sinabihan ang Diyos ng ganito: “Akoʼy magiging Ama niya, at siyaʼy magiging Anak ko.”

6At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang kaisa-isang Anak sa mundo, sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”

7Ito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga anghel: “Ginagawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at nagliliyab na apoy ang kanyang mga utusan.”

8Ngunit ito naman ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang Anak: “O Diyos, ang kaharian mo ay magpakailanman. Ang paghahari mo ay makatarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.