Jeremias 10

Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Kahabag-habag tayo dahil sa ating kapahamakan. Malubha ang kalagayan natin, pero kailangan natin itong tiisin.

Jeremiah 10:19 (UKJV) Woe is me for my hurt! my wound is grievous; but I said, Truly this is a grief, and I must bear it.

17Mga taga-Jerusalem, tipunin na ninyo ang mga kagamitan at lumisan, dahil malapit nang sakupin ang inyong lungsod.

18Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Paaalisin ko kayo sa lupaing ito. Pahihirapan ko kayo hanggang sa madama ninyo ang aking galit.”

19Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Kahabag-habag tayo dahil sa ating kapahamakan. Malubha ang kalagayan natin, pero kailangan natin itong tiisin.

20Wasak na ang mga tolda natin; nalagot na ang mga tali nito. Iniwan na tayo ng mga anak natin. Wala nang natira na muling magtatayo ng mga toldang tinitirhan natin.”

21Nangyari ito sa atin dahil mangmang ang ating mga pinuno. Hindi sila lumapit sa Panginoon upang sumangguni. Kaya hindi sila nagtagumpay, at kumalat ang kanilang kawan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.