15Wala silang kabuluhan at dapat kamuhian. Ang araw ay darating na silang lahat ay wawasakin.
16Ngunit ang Diyos ni Jacob ay hindi katulad ng mga iyon. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay pati na ang Israel, ang lahi ng mga taong kanyang hinirang, Panginoon ng mga Hukbo ang kanyang pangalan.
17Mga taga-Jerusalem, tipunin na ninyo ang mga kagamitan at lumisan, dahil malapit nang sakupin ang inyong lungsod.
18Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, “Makinig kayo! Paaalisin ko kayo sa lupaing ito. Pahihirapan ko kayo hanggang sa madama ninyo ang aking galit.”
19Sinabi ng mga taga-Jerusalem, “Kahabag-habag tayo dahil sa ating kapahamakan. Malubha ang kalagayan natin, pero kailangan natin itong tiisin.