1Mamamayan ng Israel, pakinggan nʼyo ang sinasabi ng Panginoon.
2Ito ang sinasabi Panginoon: “Huwag ninyong tutularan ang pag-uugali ng mga tao sa ibang mga bansa na naghahanap ng mga tanda sa kalawakan. Huwag kayong matakot sa mga ganyang tanda kahit na ang mga tao sa ibang bansa ay takot sa mga tandang iyan.
3Walang kabuluhan ang kaugalian ng mga taong iyon. Pumuputol sila ng puno sa gubat at pinapaukitan nila sa mahuhusay na mang-uukit.
4Pagkatapos, pinapalamutian nila ng pilak at ginto, at pinapakuan ng mabuti upang hindi matumba.
5Ang mga diyos-diyosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.”