5Ang mga diyos-diyosang itoʼy parang taong panakot ng ibon sa bukid na hindi nakakapagsalita. Kailangan pa itong buhatin dahil hindi ito nakakalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyos-diyosang ito dahil hindi sila makakagawa ng masama at hindi rin makakagawa ng mabuti.”
6O Panginoon, kayoʼy walang katulad. Kayo ay makapangyarihan at dakila ang pangalan.
7Sino po ang hindi matatakot sa inyo, O Hari ng mga bansa? Karapat-dapat lang na kayo ay igalang. Sa lahat ng matatalinong hari ng mga bansa, at sa kanilang mga kaharian, walang sinuman ang katulad ninyo.
8Silang lahat ay mga mangmang at mga hangal. Ang katuruang mula sa mga diyos-diyosang gawa sa kahoy ay walang kabuluhan.
9Ang pinanday na pilak na galing sa Tarsis at ang gintong galing sa Upaz ay ginawang diyos-diyosan ng mga panday at mga platero, pagkatapos ay binihisan ng damit na asul at kulay ube; lahat ay gawa ng mga dalubhasang manggagawa.