14“Kaya, huwag ka nang mananalangin para sa mga taong ito. Huwag ka nang magmakaawa sa akin para sa kanila dahil hindi ko sila sasagutin kung tatawag sila sa akin sa oras ng paghihirap nila.
15Nagbalak ng maraming kasamaan ang mga mamamayan na minamahal ko. Wala silang karapatang pumunta sa aking Templo. Hindi mapipigilan ng mga handog nila ang kaparusahang darating sa kanila. Tuwang-tuwa pa sila sa paggawa ng masama.”
16Noong una ay inihambing sila ng Panginoon sa isang malagong puno ng olibo na hitik sa bunga. Ngunit sa biglang pagdaan ng naglalagablab na apoy ay mawawasak sila na parang sinunog na mga sanga at hindi na mapapakinabangan pa.
17Ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagtayo sa Juda at Israel, pero ngayon ay iniutos niyang wasakin ang mga ito, dahil masama ang ginagawa nila. Ginalit nila ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog ng mga sinusunog na insenso kay Baal.
18Sinabi sa akin ng Panginoon ang tungkol sa balak ng mga kaaway laban sa akin.