Jeremias 11

“Kaya, huwag ka nang mananalangin para sa mga taong ito. Huwag ka nang magmakaawa sa akin para sa kanila dahil hindi ko sila sasagutin kung tatawag sila sa akin sa oras ng paghihirap nila.

Jeremiah 11:14 (UKJV) Therefore pray not you for this people, neither lift up a cry or prayer for them: for I will not hear them in the time that they cry unto me for their trouble.

12Kaya ang mga bayan ng Juda at ang mga tao sa Jerusalem ay hihingi na lang ng tulong sa mga diyos-diyosang pinaghahandugan nila ng insenso, pero hindi naman sila matutulungan ng mga diyos-diyosang ito kapag dumating na ang kaparusahan.

13Kayong mga taga-Juda, kay dami nʼyong diyos-diyosan, kasindami ng mga bayan ninyo. At kung gaano karami ang lansangan sa Jerusalem, ganoon din karami ang altar na itinayo nʼyo upang pagsunugan ng insenso para sa kasuklam-suklam na diyos-diyosang si Baal.

14“Kaya, huwag ka nang mananalangin para sa mga taong ito. Huwag ka nang magmakaawa sa akin para sa kanila dahil hindi ko sila sasagutin kung tatawag sila sa akin sa oras ng paghihirap nila.

15Nagbalak ng maraming kasamaan ang mga mamamayan na minamahal ko. Wala silang karapatang pumunta sa aking Templo. Hindi mapipigilan ng mga handog nila ang kaparusahang darating sa kanila. Tuwang-tuwa pa sila sa paggawa ng masama.”

16Noong una ay inihambing sila ng Panginoon sa isang malagong puno ng olibo na hitik sa bunga. Ngunit sa biglang pagdaan ng naglalagablab na apoy ay mawawasak sila na parang sinunog na mga sanga at hindi na mapapakinabangan pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.