Jeremias 11

Nagbalak ng maraming kasamaan ang mga mamamayan na minamahal ko. Wala silang karapatang pumunta sa aking Templo. Hindi mapipigilan ng mga handog nila ang kaparusahang darating sa kanila. Tuwang-tuwa pa sila sa paggawa ng masama.”

Jeremiah 11:15 (UKJV) What has my beloved to do in mine house, seeing she has wrought lewdness with many, and the holy flesh is passed from you? when you do evil, then you rejoice.

13Kayong mga taga-Juda, kay dami nʼyong diyos-diyosan, kasindami ng mga bayan ninyo. At kung gaano karami ang lansangan sa Jerusalem, ganoon din karami ang altar na itinayo nʼyo upang pagsunugan ng insenso para sa kasuklam-suklam na diyos-diyosang si Baal.

14“Kaya, huwag ka nang mananalangin para sa mga taong ito. Huwag ka nang magmakaawa sa akin para sa kanila dahil hindi ko sila sasagutin kung tatawag sila sa akin sa oras ng paghihirap nila.

15Nagbalak ng maraming kasamaan ang mga mamamayan na minamahal ko. Wala silang karapatang pumunta sa aking Templo. Hindi mapipigilan ng mga handog nila ang kaparusahang darating sa kanila. Tuwang-tuwa pa sila sa paggawa ng masama.”

16Noong una ay inihambing sila ng Panginoon sa isang malagong puno ng olibo na hitik sa bunga. Ngunit sa biglang pagdaan ng naglalagablab na apoy ay mawawasak sila na parang sinunog na mga sanga at hindi na mapapakinabangan pa.

17Ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagtayo sa Juda at Israel, pero ngayon ay iniutos niyang wasakin ang mga ito, dahil masama ang ginagawa nila. Ginalit nila ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahandog ng mga sinusunog na insenso kay Baal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.