Jeremias 13

Pag-uumpugin ko ang mga magulang at ang mga anak nila. Hindi ako mahahabag sa pagpatay sa kanila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Jeremiah 13:14 (UKJV) And I will dash them one against another, even the fathers and the sons together, says the LORD: I will not pity, nor spare, nor have mercy, but destroy them.

12“Jeremias, sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Panginoon, ang Diyos ng Israel ay nagsasabing, ‘Ang lahat ng sisidlang-balat nʼyo ay mapupuno ng alak.’ At kung sasabihin nila sa iyo, ‘Alam na naming mapupuno ng alak ang lahat ng lalagyan namin.’

13Sabihin mo sa kanila na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Parurusahan ko ang lahat ng mamamayan ng lupaing ito, na parang nilasing ko sila ng alak. Parurusahan ko ang mga hari na angkan ni David, ang mga pari, mga propeta, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem.

14Pag-uumpugin ko ang mga magulang at ang mga anak nila. Hindi ako mahahabag sa pagpatay sa kanila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

15Makinig kayong mabuti, at huwag kayong magmataas sapagkat nagsalita na ang Panginoon.

16Parangalan ninyo ang Panginoon na inyong Diyos habang hindi pa niya ipinapadala ang kadiliman, at habang hindi pa kayo nadadapa sa dumidilim na mga bundok. Ang liwanag na inyong inaasahan ay gagawin niyang napakatinding kadiliman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.